Wednesday, February 9, 2011

Kaluwalhatian

Kaluwalhatian


Sa lahat ng aking mga naging karanasan, isa ang katangi-tangi sa lahat at hindi ko malilimutan sa buong buhay ko o, sa kabilang buhay man. Ito rin ang nagpabago ng malaki sa aking pananaw at mga paniniwala ko ngayon. Ito ang aking karanasan sa Kaluwalhatian.

Marahil sa iyong paniniwala ay alam na alam mo na ang kahulugan ng sa litang Kaluwalhatian. Ito ay madalas na binabanggit ng mga pari sa kanilang banal na misa. Subalit katotohanang sinsabi ko sayo, hindi mo pa alam ang tunay na ibig sabihin ng salitang ito. Sa katunayan, hindi mo malalaman ang tunay na kahulugan ng Kaluwalhatian hanggat hindi mo ito nararanasan, sapagkat walang salita ng tao ang tunay na makapaglalarawan ng kalagayang ito. Kahit na ang salitang Kaluwalhatian, Nirvana, o, ecstasy ay mga mumurahing salita lamang na ginagamit na simbolo upang isalarawan ang espiritwal na kaligayahang walang hanggan.

Isang gabi, nagmemeditate ako. Nakaupo ako ng lotus position, madilim ang paligid, hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado ako lagpas na iyon ng hatinggabi.

May nakikita akong mga maliliit na pulang images sa aking balintataw. Tila mga maliliit na eroplanong nasa flight formation. Madalas ko itong nakikita mula pa sa aking pagkabata. Ito ang vision na palagi kong kasama kapag ako ay nag-iisa.

Hindi ko maintindiham kong ano talaga ito, pero sa tagal ko nang pagkakita dito ay natanggap ko nang karaniwan na ito sa aking biswalisasyon. Ang mahirap lang dito ay lumalayo ito kapag tiningnan ko ng diretso. Kapag tinutukan ko ng tingin ay gumugilid ito hanggang mawala sa aking field of vision.

Alam kong may kahulugan ito pero sa ngayon ay hindi ko pa alam kung ano. Bukod dito ay may isa pang vison akong madalas makita sa aking balintataw kapag ako ay nakapikit. Ito ay ang image ng isang abstract painting na katulad ng glass mural painting na madalas na nakikita natin sa mga simbahan ng Katoliko.

Ang pagkakaiba lang ay gumagalaw ang mga ibat-ibang bahagi ng painting na ito at nagbabago ang mga imahe nito bawat segundo. Ngayong gabi nga ay itong vision na ito ang aking nakikita sa aking balintataw. Mabagal ang aking paghinga habang pinagmamasdan ko ang image na ito. Natutuwa ako sa pagbabago-bago ng mga images dahil napaka makulay nito at parang kaleidoscope na tuloy-tuloy na gumagalaw.

Napakalinaw ng mga imahe nito kaya lalo akong napatutok ng tingin, dati kasi malabo at mahirap mahuli ito sa aking pananaw, nawawala kasi ito kapag aking tinititigan, umuusog kasi ito sa kaliwa o, sa kanan, hindi ito nakapirmi sa gitna, pero iba ngayon dahil nasa gitna lang ito at malinaw na malinaw kong nakikita ang pagpapalit-palit ng mga simbolo at mga images sa ibat-ibang parte nito.

Walang ano-ano ay biglang, tila bumukas ito at naging 3 dimensional. Nag-extend ito in all directions, tumagos ito sa akin at sinakop pati ako. Nasa loob ako ng abstract painting na buhay, walang tigil sa pagkilos, pabago-bago ng anyo. Naging bahagi na ako ng abstract reality na ito. Ganun nalang ang ligaya ko dahil napakasarap pala sa kalagayang iyon.

Tila may bumukas uli sa Abstract reality na kinalalagyan ko, at niluwa ako sa 4th dimension. Nawala ako sa present time & space continuum, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang ever-expanding multi-dimensional Universe.

Napakasarap ng pakiramdam ko, tawa ako ng tawa sa sarili ko. Labis-labis na kaligayahan ang nadarama ko. KALUWALHATIAN.. Hindi kayang sukatin ng kaligayahan sa lupa.

Ano ang pinaka masarap na experience na maaari mong maranasan dito sa lupa? Sexual Orgasm! 'Yan sa palagay ko ang pinaka masarap na episode na maaari mong ma-experience dito sa physical world.

Pero ang Sexual Orgasm ay tumatagal lamang ng ilang segundo pagdating ng climax. Imaginin mo ito, Sexual Orgasm times a million fold, at ma-enjoy mo 'yan nang tuloy-tuloy at walang katapusan. At hindi lang yan, ang description na 'yan ay anino lang ng tunay na kaligayahan na mararanasan mo sa KALUWALHATIAN.

10 % lang yang ng tunay na experience na ito. Ito ang pinakamataas na antas ng ecstasy, ang tuktok ng lahat ng kaligayahan. Ang pinaka malapit na description na maaari kong ibigay sa kalagayang ito ay parang ipinahehele ka ng Dios sa kanyang kandungan. Divine bliss...

"Ahhhhh..!! Ohhhhh…!! Hmmmm..!! 'yan lang ang mga katagang aking nasasambit. Walang patid na unggol ng kaligayahan. Gusto ko sanang magtanong.. Pero wala akong maitanong sapagkat kaakibat ng kaligayahang ito ang lubos na karunungan at kaalaman sa lahat ng bagay. Alam ko na ang lahat. OMNISCIENT ...All knowing..!

Haban g ipinaghehele ako sa kandungan ng Dakilang Dios ay naglalakbay din ang aking Diwa. Ginalugad ko ang kalawakan ng outer space. Mula sa Solar system, Milky way galaxy, galaxy clusters, Physical Universe, At ang walang hanggang kalawakan ng Grand Multiverse (binubuo ng seven inter-connected Universes).

Inarok ko din ang kalaliman ng inner space mula sa Matter, molecules, atoms, sub-atomic particles, quarks, Quantum particles at electro-magnetic units, hanggang sa kalawakan ng astral matters.

Hanggang nakarating ako sa kabilang dako ng spiritual Universe na binubuo naman ng ibat-ibang spiritual dimensions na walang hanggan din ang kalawakan ng bawat isang dimension. Tunay na walang katapusan ang kalawakan ng Kadakilaan ng Dios, na kailangan ng eternal life upang galugarin ito. OMNIPRESENCE… In all places..!

"Ohhhhhh..!! Ahhhhh..!! Napakasarap talaga ng pakiramdam ko. Kung kanina ay kinakalong at ipinaghehele lang ako ng Dakilang Dios, ngayon ay ganap nang sumanib ang aking sarili sa kanyang kalagayan. Sa kanyang katatagan,
Alam ko na ang lahat, walang pag-aalinlangan.

"Ako at ang Ama ay iisa, Ang kaganapan ng Ama ay Ako, at ang lahat ng sa Ama ay sa Akin!"

Ganap at matatag ang aking kalagayan. Hindi ako mawawala anoman ang mangyari. Matunaw man ang 99.9% ng aking sarili at isang tuldok lang ang matira, siguradong ako ay iinog at muling lalawak at babalik sa aking tunay na kalagayan. OMNIPOTENT… All powerful..!

Dalisay na kaluwalhatian at banal na karunungan, di tumitigil, patuloy na umiinog at lumalawak. Eve- expanding Kalaidoscope of Conscious Abstract Reality. Iyan si AKO, walang simula at walang katapusan.

Nasa ganito akong kalgayan sa loob ng eternity. Narito ako magpasawalang hanggan. Wala na akong mahihiling pa, hindi na ako interesadong bumalik sa aking panahon. Wala na akong pakiaalam sa mundo ng mga tao, alam ko na ang katotohan, dito nalang ako habang panahon. "Ahhhh.!! Ohhhhh..!! Hmmmm..!!

Malamig ang paligid, ramdam ko na ang hangin na tumatama sa aking katawan mula sa electric fan na nakatutok sa akin mula nang ako ay mag meditate. Mabagal pa din ang aking paghinga. Relax ang aking pakiramdam at naka focus na ang aking isip sa aking katawan at kasalukuyang panahon.

Hindi ko na alam kung papano at kelan ako nakabalik sa kasalukuyang panahon, pero taglay ko pa din ang mga kaalaman at karanasan na nadaanan ko kanina lamang. Mapalad talaga ako at nagkaroon ako ng ganitong Mystical experience.

Alam kong hindi ito nararanasan ng karaniwang tao. Malamang, kalahati lang ng isang porciento ng sangkatauhan ang nagkakaroon ng ganitong karanasan. Ang alam ko, mga Mystic at mga Santo lang ang kadalasang nakakaranas nito.

Talagang mapalad ako ngayon, hinding-hindi ko malilimutan ang karanasang ito. Alam kong hindi ko basta mauulit ang pangyayaring ito kahit gustuhin ko man, pero sapat na ang pagkakataong ito na ibinigay sa akin ng Dakilang Dios upang masulyapan ko ang kanyang Dakilang katotohanan at mag-sikap ako upang baka sakali, balang araw ay marating ko ang ganap na kaalaman at karunungan upang mabalikan ko ang ganitong kalagayan.

Kaya naman, nagdasal ako ng taimtim na pasasalamat sa kanyang mga biyaya.
"Salamat , salamat, marami pong salamat..!! Dakilang Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo Amen..!"

Wednesday, January 26, 2011

Totoo ba ang Hula?

Totoo ba ang Hula?

Marami ang naniniwala sa hula!

Makikita mo ito sa Quiapo lalo na pag araw ng Martes, Byernes at Linggo.
Tumpok-tumpok ang mga tao na nagpapahula sa mga Manghuhula (kuno) na nakahilera sa gilid ng Plaza Miranda.

Karamihan sa kanila ay nagbabakasakali na makarinig sila ng magandang pagbabago sa kanilang buhay, sa larangan ng Pag-ibig, pananalapi at paglalakbay. Ang iba naman ay curious lang at gusto lang malaman ang mga sasabihin sa kanila ng mga manghuhula.

Kaya ang dating sampung manghuhula noon na nakahelera doon sa gilid ng hagdanan pababa sa underpass ay naging mahigit limampu na ngayon.Nakita kasi ng mga masisinop na tao doon na malakas palang pagkakitaan ang pang huhula.

Kaya naman si Rose na nagtitinda ng kamatis at talong sa umaga ay nagiging si Madam Rosa na pagsapit ng hapon at gabi, yan kasi ang oras ng pagdating ng mga nagpapahula. Sa palagay ko, 20% lang ng mga manghuhula doon ang tunay na marunong.At ang 80 %, well, ito ay bola-bola nalang. Kaya piliing mabuti kung kanino kayo magpapakonsulta.

Marami din naman ang hindi naniniwala sa mga hula. Lalo na ang mga Pastor at mga Pari na naniniwalang masama ang magpahula ng kapalaran. Hindi nila naisip na ang pangunahing tema na nakapaloob sa Biblia na kanilang kodigo ay nakabatay sa Hula o, Propesiya.

Hindi na ako makikipagtalo sa kanila, kanya-kanyang paniniwala lang yan, at para sa akin, iginagalang ko ang kanilang mga paniniwala, kaya naman inaasahan kong igagalang din nila ang paniniwala ko.

Sa totoo lang, Ako ay hindi manghuhula. Dahil mahirap tumama pag manghuhula ka lang.
Kung marunong akong maghula, huhulaan ko ang nomero na tatama sa Grand Lotto at tataya ako, o, di ba?

Ako ay isang Tarot Card Reader, nagbabasa ako ng mga baraha.
Ang tawag sa aking propesyon ay Professional Cartomancer, or, Tarot Card Reader.
Nalalaman ko ang mga kaganapan sa buhay ng aking mga kliyente sa pamamagitan ng pagbasa sa mga kahulugan ng baraha na pinipili nila.

Pinagdudugtong-dugtong ko ang mga kahulugan ng mga baraha upang makabuo ng isang makabuluhang kwento na naaayon naman sa kasalukuyang karanasan ng aking mga kliyente. (Kung papano ito tumutugma at nagkaka-totoo ay ipapaliwanag ko sa susunod na artikulo)

Ang Tarot Deck ay binubuo ng 78 cards (may 5 hanggang 10 meaning ang bawat isang Card ) times 2, dahil may kabalikatran o, reveresed meaning pa ang nga ito. 78 x 10 = 780 x 2 = 1,560 meanings, yang ang kailangan mong kabisaduhin upang mabasa mo ang sinasabi ng baraha.

Bukod sa mga meaning, kailangan ding gamitan ito ng Intuitive discretion para malaman kung alin sa mga meaning ng cards ang angkop sa kasalukuyang karanasan at problema ng kliyente. Ito ang dahilan kaya nade-develop ang Psychic power ng isang Tarot Card Reader. Nahahasa kasi ang kanyang Intuition sa pamamagitan ng madalas na pagpa-practice ng Tarot reading.

Ang Tarot Card Reading ay isa sa pinaka magandang sistema na maaring gamitin upang madevelop ng iyong Psychic powers. Malaking tulong din ang nagagawa nito upang malinawan at masolusyonan ang isang problema at higit sa lahat ito ay nakaka-aliw at nakakapag palalim ng kaalaman.

Papano natutulungan ng Tarot Card na masulusyonan ang isang problema?

Sa ating present level, ang nakikita lang natin ay ang ilang bahagi o, elemento ng ating problema. Yun mga bagay na nakikita lang natin at abot ng ating kaalaman. Halimbawang naglalakad ka sa gilid ng isang kalsada at sa unahan mo ay may isang road intersection. Ang makikita mo lang ay ang diretsong kalsada na nasa harapan at nasa likuran mo. Hindi mo makikita ang nasa gawing kaliwa o, kanan mong kalsada dahil natatakpan ito ng builldng. Kung may mga sasakyan na tatawid sa kalsadang tinatahak mo, hindi mo makikita dahil may building nga sa kanto na tumatakip sa mga nasa kabila.

Sa level naman ng Tarot cards, mas malawak ang kanyang nakikita dahil ito ay may extra dimension na nakapagbibigay ng mas malawak na impormasyon sa nagbabasa. Sa ating halmbawa, Ang level ng Tarot Cards ay nasa itaas ng building. Sabay nitong nakikita ang taong naglalakad sa ibaba at ang mga sasakyang nasa kabila ng bulding na tatawid sa intersection.
At kung sa tantya ng Tarot Cards, sa bilis ng takbo ng sasakyan na tatawid, at ang bilis ng taong naglalakad sa ibaba ay panabay silang darating sa kanto ng intersection, masasabi ng Cards na malamang mabaubundol ng sasakyan ang taong naglalakad.

Ito ang nakikita ng Tarot Cards as a Probable future. Ito ang hinaharap na maaaring mangyari.
Ibig sabihin, may choice pa ang tao na hindi mangyari ang sakunang ito kung may impormasyon sya tungkol sa sasakyan na nasa kabilang kalsada. Kung alam nya ito, pwede syang huminto panandali upang makalampas ang sasakyan at walang mangyaring masama sa kanya. O, pwede syang bumalik sa pinagmulan nya, para hindi na mangyari ang future na iyon, o, pwede syang tumawid sa kabila, para ibang future naman ang kanyang haharapin.

Yan ang magandang bagay na naibibigay ng Tarot Cards. Nakapagbibigay ito ng babala ukol sa mga masamang bagay na pwedeng mangyari at nakapagbibigay din ng insprasyon sa mga nalulungkot o, solusyon sa mga may mabigat na suliranin.

Ang Tarot Cards ay isang Tool, kagaya rin ng screwdriver at plier na ating ginagamt kapag may kinukumpuning mga sirang gamit sa bahay. Ang Tarot Cards naman ay nagagamit upang makumpuni o, ma-iayus ang mga sira at kaguluhan sa ating mga buhay.

Sa mga nakasubok na ng aking Tarot Card Reading Service, alam kong satisfied na sila at nagpapasalamat sa mga impormasyong knilang nakuha mula dito. At para naman sa mga hindi pa nakakasubok nito, inaanyayahan kitang subukan at alamin ang hiwaga at Magic ng aking Tarot Cards.

Wala namang mawawala sa iyo kung ito ay inyong susubukan. Sa totoo lang, marami kang malalaman at matututuhan, sa iyong sitwasyon, sa mga taong nakapaligid sayo at higit sa lahat, mas makikilala ang iyong sarili.

Monday, January 17, 2011

Alamin ang iyong Kapalaran (Live Tarot Reading)

ALAMIN ANG IYONG KAPALARAN !!!
Pwede na ! kahit nasaan ka!
Online Tarot Reading Service by kuya Joel

Hi, I'm Kuya Joel.. Ako ay isang Mystical Life coach.. Sa pamamagitan ng Tarot cards, plus Numerology & Astrology ay malalaman ko ang mga kaganapan sa iyong buhay. Kung ikaw ay may problema at di mo alam ang iyong gagawin, pwede kitang matulungan. Kung mayroon kang mga katanungan na gusto mong malaman ang kasagutan, pwede din nating alamin.

Sa pamamagitan ng Tarot card reading, makikita natin ang iyong nakaraan, kasalukuyan at ang iyong hinaharap. Sa pamamagitan din nito matutugunan mo ang iyong mga problema ng mas epektibo sapagkat nakikita mo ang lahat ng elemento ng iyong problema kaya makakapag desisyon ka ng tama.


Tarot Card Reading
Sa pamamagitan ng Advance Tarot Reading technique na natutunan ko sa aking Master mula sa India, kaya kong basahin ang iyong kapalaran Past, Present & Future kahit ikaw ay nasa malayo (ako lang ang gumagawa nito ngayon sa Pilipinas). Sa pamamagitan din ng Cellphone at computer, babasahin ko sa iyo ang mga sinasabi ng Tarot cards tungkol sa iyong sitwasyon at mga solusyon sa kasalukuyang mong problema.

Plus – FREE Astro-numerology report
Sa pamamagita ng ASTROLOGY at NUMEROLOGY, malalaman natin ang iyong basic character traits, ang iyong mga talento na pwede mong i-develop, ang iyong mga potensiyal at ang direksyon ng iyong buhay. Makikita din natin ang mga trends at potentials tungkol sa iyong Pag-ibig, relasyon, trabaho at paglalakbay sa loob ng isang taon.

Makakatanggap ka ng report ng mga opportunities sa iyong Love life/relationships, career at travel para sa 12 months period. Makikita mo dito bawat buwan kung anong mga pagkakataon ang nakahanda para sa iyo. Sa pamamagitan ng mga impormasyon na ito, makakagawa ka ng strategy kung papano mo isasagawa ang iyong mga plano at activities.

Halimbawa: kung ang iyong Trend sa buwan ng January ay 9 month cycle, ibig sabihin ang buwan ng January ay panahon ng completion, ending at consolidation. Bagama't sa ating kalendaryo ang January ay panahon ng simula at pag-uumpisa ng mga gawain, subalit sa iyong personal month cycle, ito ay panahon ng pagtatapos, pag-iipon ng mga nakuhang tagumpay at pamamahinga. Ito ang panahon ng pag-sisinup at pag-enjoy ng mga tagumpay at achievements mo sa nakalipas na siyam na buwan. Hindi ito ang panahon ng pagsisimula para sa iyo, kaya sa pag-gawa mo ng iyong strategy at plano, hindi ka pwedeng magsimula ng anumang bagong proyekto sa panahong ito.

Consultation fee:
P500.00
Ipadala lamang ang iyong Consultation fee sa:
LBC, Mlhuillier or, Western Union

Address to:
Joel R. Dela Cruz
Sta cruz Proper, Naga City, Camarines Sur

Kung may tanong, text ka lang kay Kuya Joel
Cp # 09283210246

Gulong ng Kapalaran

Kailan ang Swerte mo?

Gusto mo bang malaman kung kailan darating ang swerte mo..?

Hindi ka ba nagtataka kung bakit may mga taong napaka-swerte at nasa kanila na ang lahat ng kasaganahan at kaligayahan kahit parang wala silang ginagawa sa buhay?

Hindi ka ba nagtataka na kahit anung gawin mong pagsisikap at pagtityaga ay hindi ka pa din makaahon sa iyong kahirapan? Kung minsan nga, sinisisi mo pati ang Dios sa iyong mga problema, kung bakit umabot ka sa ganitong kahirapan di ba?

Sadya bang malupit ang tadhana para sa iyo kaibigan?

'Wag ka nang mag-alala, sapagkat narito na ang kasagutan sa iyong mga katanungan.
Sa loob ng 25 na taon, pinag -aralan ko ang dahilan ng ganitong kalagayan.

Hindi kita masisisi kaibigan, sadyang napakagulo ng buhay para sa mga taong kulang ang kaalaman sa totoong kalagayan ng mundong ating ginagalawan. Kaya naman narito ako upang bigyan ka ng kaunting kaalaman na makapagbibigay sa iyo ng pag-asa, upang mai-plano mo ang iyong buhay ayon sa gusto mong marating sa tulong ng Batas ng kalikasan.

Ayon sa ating mga scientist, ang mundong ating ginagalawan ay binubuo ng ibat-ibang batas ng kalikasan na nagtutulong-tulong upang magkaroon ng kaayusan at masoportahan ang buhay dito sa kapatagang lupa.

Ang ilan sa mga batas ng kalikasan na ito ay ang Gravity, elements, Thermo-nuclear reaction, electro-magnetic principles at marami pang-iba. Kung walang gravity, lulutang sa space ang lahat ng bagay kaya walang mabubuhay. Kung walang mga elements kagaya ng hangin, tubig, apoy at lupa ay wala ding mabubuhay sa mundo. Kung wala namang thermo-nyclear reaction, walang init na mai-bibigay ang araw upang matustusan ang buhay dito sa mundo.

Ito ay ilan lang sa mga batas ng kalikasan na alam ng mga tao. Pero marami pang batas ng kalikasan ang hindi pa natutuklasan ng ating siyensya kaya kulang pa ang kaalaman ng mg tao ukol dito.

Dalawa sa mga batas ng kalikasan na ito ay ang batas ng Pag-inog (Law of Cycle) at ang batas ng Karma (Tatalakayin sa susunod na artkulo). Ang dalawang batas na ito ang syang direktang may kinalaman sa kalagayan ng buhay ng bawat tao. Kung kelan sya magiging masaya at masagana at kung kelan sya maghihirap at magdurusa sa buhay.

Law of Cycle (Batas ng Pag-inog)
Ayon sa Occult Cosmology,"The only constant thing in the universe is change". So, walang bagay sa sansinukob ang naka tigil o, hindi gumagalaw. Lahat ng bagay sa Universe ay in constant motion. At ang nananatiling regular na pagkilos dito ay ang batas ng Pag-inog.

Kung oobserbahan mo ang batas ng Pag-inog ay makikita mo ito sa pinaka-malit at pinaka-malaking sistema sa buong universe. Makikita mo ito sa Loob ng isang araw, ang pag-inog ng daigdig sa kanyang sariling axist (Daily cycle). Makikita mo ito sa Pag-inog ng buwan sa daigdig (Monthly cycle). Ang Pag-inog ng Mundo at ng iba pang mga planeta sa Araw sa loob ng Solar system (Yearly cycle). Ang pag-inog ng Solar system sa sentro ng Milkyway Galaxy(Millennium cycle). Ang Pag-inog ng Milkyway galaxy sa gitna ng ating universe (Unversal cycle) at ang pag-inog ng ating universe sa Central Sun ng Grand Multiverse(Grand Multiverse cycle).(Hindi pa ito alam ng karaniwang tao)

Ganun din naman, ma-oobserbahan mo ang batas ng Pag-inog sa pinakamaliit na bahagi ng ating material universe. Makikita mo ito sa pag-inog ng mga electrons sa nucleus ng isang atom. Ang pag-inog ng mga quarks, mesons at positrons sa electrons at pag-inog ng mga sub-stomic particles sa electro-magnetic units na bumubuo sa mga electrons.

Sa buhay ng bawat isang tao, ang batas ng Pag-inog ay makikita bilang pag-inog ng "Gulong ng Kapalaran", o, tinatawag din nating "Gulong ng Palad", kung saan malalaman ang eksaktong panahon kung kelan ka nasa ibaba, pataas o, nasa tuktok ng tagumpay sa iyong buhay.

Since, ang bawat tao na nabubuhay sa Daigdig ay walang magagawa kundi sumunod o, sumama sa pag-inog ng mundo sa gitnang Araw kasama ng iba pang mga planeta sa solar system, hindi natin maiwasan ang impluwensya na dulot ng Pag-inog na ito sa ating buhay. Ang pag-kakaiba-iba lang ay kung saan lugar sa mundo tayo ipinanganak at kung kailan.

Time and location lang ng kapanganakan ang magbibigay ng dahilan upang mag-kaiba-iba ang kapalaran ng bawat tao dito sa mundo. Dahil sa bawat dalawang oras ay may bagong Sodiac sign ang sumusikat sa silangan, at ito ang nagbibigay ng kulay o, impluwensya sa kapalaran ng bawat tao at ang mga radiations ng mga planeta ayon sa kanilang mga posisyon sa loob ng solar system.

Kung ang buwan na napalaliit na heavenly body kumpara sa iba pang mga planeta sa solar system ay nakaka-impluwensya sa karagatan o, sa lahat ng liquid dito sa Mundo, (Low tide & High tide) at sa menstrual at psychological cycle ng mga babae, 'di lalo't higit ang impluwensya ng mga higanteng planeta kagaya ng Jupiter, Saturn, Nertune, at Uranus sa pisikal at psychological state ng mga tao. Daang beses na mas malake ito kaysa Daigdig. Kaya naman ang impluwensya nito ay mas malakas din, apektado nito ang buong henerasyon ng mga tao sa mahabang panahon.

Kaya sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga posisyon ng mga planeta at ng kanilang Pag-inog sa araw ay makikita natin ang mga impluwensya ng kanilang radiation sa bawat tao dito sa Mundo. Makuha lang natin ang esaktong oras,araw at lugar ng kapanganakan mo, siguradong maise-set-up natin ang iyong Vitasphere at makikita natin ang mga posisyon ng mga planeta 'nung ipinanganak ka. Malalaman na din natin kung nasaang lugar ka ngayon sa iyong Gulong ng Kapalaran, nasa ilalim ka ba? Pababa, paakyat o, nasa tuktok ?

Malalaman din natin kung anong kalagayan sa buhay ng iyong pamilya noong ipina-nganak ka, ano ang mga impluwensya noong ikaw ay teenager o, nasa high school, at kung kelan ka pababa at kailangan mag laylow. Malalaman din natin kung anong taon ka paitaas at dapat na mag plano ng iyong mga gagawin at kung anong taon ka nasa tuktok ng iyong tagumpay at aani ng kasaganahan.

Sa pamamagitan ng mga impormasyong ito ay makagagawa ka ng isang long term strategy plan, upang lubos mong mapakinabangan ang mga magagandang pagkakataon na dadaan sa iyong buhay sa pagkat alam mo na kung anong taon ito darating.

Makikita mo din sa report na ito ang Trend mo sa kasalukuyang taon tungkol sa iyong Pag-ibig, relasyon, trabaho o, negosyo at mga pagkakataong makapag byahe o, paglalakbay.

Ito ang magiging gabay mo sa pagpa-plano mo ng iyong kinabukasan. Sa pamamagitan nito, maiiwasan mo ang mga pagkakamali at pagkawaldas ng mga panahon sa mga gawain at mga plano na wala namang tyansang magtagumpay dahil wala pa sa tamang panahon.

Mahirap lumangoy salungat sa mga alon ng dagat, siguradong mapapagod ka lamang pero wala kang mararating. Mas mabuti na ang mag-abang ng tamang pagkakataon sa pagdating ng malakas na alon at sumakay ka dito, upang ang lakas ng alon mismo ang magdala sa iyo sa lugar na gusto mong puntahan, katulad ng mga ginagawa ng mga wave surfer.

Kung alam mo kung kailan darating ang swerte, kaya mong sakyan ito upang makarating ka sa kalagayang gusto mong marating. Ang tagumpay ay hindi lamang nakukuha sa sipag, pagsisikap at tiyaga, kundi sa tamang pagkilos sa tamang panahon at pagkakataon.

Kaya kung nais mong umasenso, o, mabago ang kasalukuyang takbo ng iyong buhay, alamin mo kung nasaan ka na ngayon sa "Gulong ng iyong kapalaran". Malalaman mo ito sa pamamagitan ng pagti-txt sa akin ng iyong buong pangalan, eksaktong oras ,lugar at araw ng iyong kapanganakan. (Tingnan mo ito sa iyong birth certificate) Siguraduhin mo lang na tama ang impormasyon mo upang hindi magkamali ang magiging reading sa iyo.

Halimbawa: Sa birth certifcate mo nakalagay ay 11:45 pm, at binigay mo sa akin ay 11:45 am, ang epekto nyan ay mababaliktad din ang iyong gulong ng kapalaran, imbis na pataas ay maaaring maging pababa ang magiging basa sa iyong kapalaran. Kaya huwag manghula ng oras ng kapanganakan, tingnan mo sa Birth certificate mo para sigurado.


ASTRO-LIFE READING Report
Consultation fee: P500.00
Payment Thru LBC or, Western Union
To : Joel R. Dela Cruz
Sta. Cruz proper, Naga City
Camarines Sur, Philippines

Wednesday, January 12, 2011

Engkwentro sa Higher self

Engkwentro sa Higher Self

Dalawang linggo ko nang iniisip ang aking higher self, ang mataas at banal nabahagi ng ating sarili na pumapatnubay sa ating buhay at siyang nagtutustos sa atin ng lakas-buhay (Life energy) at mga inspirasyon sa araw-araw.

Ito ang konsepto na bago sa aking kaisipan na inihahayag ni Seth, isang espiritu na nakatira sa 5th dimension, ayon sa aklat na sinulat ni Jane Roberts noon g dekada sisenta. Ayon kay Jane Roberts, na nagisislbing daluyan o, channel ng personlidad na ito na galing sa ibang dimension, si Seth ay isang lalang na espiritu ay nabuhay ng maraming beses sa ibat-ibang kalagayan ng buhay sa universe, kabilang na dito ang pagiging tao noong panahon ng Maestro Hesukristo.

Ayon kay Seth, siya at ang kanyang mga kasamahan sa ika-limang dimension ay mga guro na namamahagi ng kaalaman sa mas mababang dimension kagaya ng ating daigdig na nasa ikatlong dimension. Upang mapataas ang kaalaman at antas ng diwa at makatulong sa ebolusyon ng kamalayan sa sansinukob.

Sa mga aklat na kanyang idinikta sa pamamagitan ni Jane Roberts, katulad ng "Seth Speak" at "The Nature of Personal Reality" ay maraming konsepto ang kanyang inilahad, karamihan dito ay bago sa aking pandinig nung mga panahong iyon.

Isa sa mga konsepto na kanyang inihayag na lubos na nakapukaw sa aking interest ay ang konsepto ng "Higher Self". Ayon kay Seth, isang maliit na bahagi ng Dios ang bumaba dito sa ikatlong dimension upang magkaroon ng karanasan dito sa lupa. Bagama't napakaliit nito at tilamsik lamang kumpara sa kanyang pinagmulan, napakalaki na nito para dito sa lupa, at hindi kayang ipaloob sa isang katawan lupa lamang (sa lakas ng enerhiya nito, sasabog at matutunaw ang katawang laman). Kaya naman ang maliit na bahaging ito ng Dios ay nagpababa din ng isang maliit aspeto ng kanyang sarili upang magkatawang tao dito sa lupa at magkaroon ng mga karanasan , ito ang ating kasalukuyang personalidad na naka-focus sa materyal na daigdig.

Ang unang bahagi ng Dios na bumaba sa ikatlong dimension ay ang Higher Self. At ang Higher Self naman ay nagpalabas din ng maliit na bahagi ng kanyang sarili at pinababa nya dito sa lupa . Ang maliit na bahaging ito ay ang lower Self. Ang lower Self ay isang atom ng Dios na nabalot ng katawang lupa at namumuhay ngayon bilang tao.

Ang Higher Self ay ang ating tunay na sarili, sapagkat ito ay galing mismo sa katawan ng Dios. Sya ay binubuo ng GOD matter kaya ang Higher Self ay banal at dalisay na Lakas -diwa (Pure Conscious energy). Tinataglay nito ang lahat ng katangian ng Dios Ama, kaya Sya ay makapangyarihan at nakakaalam ng kahat ng bagay.

Ang kasalukuyang personalidad ng bawat tao ayon kay Seth ay aspeto lamang ng kanyang ,mas mataas na sarili. At ang pagbabalik ng ating koneksyon sa ating Higher Self ang tanging paraan upang magamit natin ang mga katangiang ito sa ating pamumuhay ngayon dito sa kapatagang lupa.

Masyado akong na-curious sa konseptong ito dahil napakalaki pala ng ating potential bilang tao, at hindi natin nagagamit ito. Tama kung ganun ang mga scientist sa pagsasabi na sampung porsiyento lamang ng ating brain capacity ang ating nagagamit. At kung sa sampung porsiyentong iyan ay narating natin ang ating kasalukuyang teknolohiya, papano pa kaya kung magamit natin ang isang daang porsiyento ng kapasidad na ito? Malamang super human na ang mga tao dito sa mundo.

Halos dalawang linggo ko ding inisip-isip ito, at kung papano ako makaka-konekta sa aking Higher Self.

Isang gabi, habang naglalakad kami ng aking mga kasama sa choir galing sa simbahan at pauwi na sa aming mga bahay ay naghaharutan at nagkakatuwaan kami sa gilid ng kalsada katulad ng madlas na naming ginagawa tuwing Biyernes at Sabado ng gabi. Nagpa-praktis kasi kami ng kakantahin namin para sa misa sa linggo ng umaga.

Pero iba ang gabing iyon, habang nagbibiruan kami at nagtatawanan ay napansin kong kakaiba ang galaw ng isa kong kasamang lalake na kasabay naming naglalakad ngunit nasa kabilang banda ng kalsada, tila balisa siya at di mapakali. Panimnsan-minsan ay pinupukol nya ako ng matalim na sulyap. Sinasabayan naman siya ng isa ko pang kasamang lalake na tila nakikipag talo sa kanya at paminsan-minsan ay sumusulyap din sa akin.

Masaya ang mood ng grupo, habang kami ay naglalakad, subalit sa aking dibdib ay may nadama akong panganib. Pilit kong iwinawaksi ang damdamin iyon bagkus ay itinuon ko ang aking pansin sa dalawang babaeng kasama ko na nagtatawanan sa magkabila kong tabi. Wala naman kasi akong dapat na ipangamba dahil mga kaibigan ko naman silang lahat at wala naman akong alam na kaalitan sa kanila.

Sa sulok ng aking mga mata, ay nakita kong lumakad ng mabilis ang dalawang lalake at nagpati-una sila.

Samantala, may kotse kaming nakasalubong, kaya nagtabihan at nagsiksikan kami sa gilid ng kalsada. Dalawampung katao kami kaya nagtumpok ang grupo namin samagkabilang gilid ng kalsada na kanina lamang ay sakop namin pati gitna. Pagkaraan ng kotse ay nagsimula na uli kaming maglakad . Nasa gitna ako kaya maraming naglalakad sa harapan ko at ang iba naman ay nasa likuran.

Si Nilo, ang lalakeng kasama ko na kanina ay masama ang tingin sa akin. Sumalubong siya sa amin at sumiksik sa gitna ng mga tao kaya hindi ko napansin. Nagulat nalang ako nang mahawi ang dalawang nasa harapan ko at bumulaga sa akin ang mukha ni Nilo. Galit ito at nanlilisik ang mga mata. Walang sabi-sabing inundayan nya ako ng saksak. Naramdaman ko ang suntok at kalabog sa aking tiyan, subalit hindi ako nakakibo sa aking pagkakatayo sa labis na pagkabigla. Hindi ako nalapag-react.

Naramdaman ko na lamang ang pag-guhit ng hapdi sa loob ng aking tiyan ng hugutin nya ang patalim mula sa aking katawan. Nang mga sandaling iyon, tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Bumagal ang pag-usad ng mga sandali. Nakita ko nalamang ang pagtilamsik ng aking dugo mula sa kanyang patalim ng ito ay kanyang hugutin palayo sa akin.

Shock na schock ako! Hindi ako makapaniwala.
"Nasaksak ako!" Sigaw ng aking isip. Nanlaming ang buo kong katawan.
"Ito na ba ang aking katapusan?" "Ayoko pang mamatay!" sigaw ko pa sa aking sarili.

Sa wari ko'y napakatagal ng tagpong iyon. Nag-slow motion ang lahat. Halos mga ugong lamang ang aking naririnig at hindi ko maunawaan kung ano ang sinsabi nila. Hanggang sa sumabog ito sa sigawan at tilian, kanya-kanyang takbuhan at nagkagulo na ang lahat. Bumilis na ang mga pangyayari.

Nakita ko si Nilo nakatayo sa harapan ko. Na nakaamba na naman ang patalim upang muling umunday ng saksak. Nakapako pa rin ako sa pagkakatayo at tila wala akong lakas para ikilos ang aking katawan.

Walang ano-ano'y may dumaklot sa aking damit at balikat, sabay hatak ng malakas. Sa tindi ng pagbatak sa akin ay napadpad ako sa kabilang dako ng kalsada na walang tao.

Sa gitna ng mga sigawan at tilian ay narinig ko ang utos sa akin kung sino man iyon. "Takbo! Dali, bilis, Takbo!" Sigaw ng tinig na nagmamadali. Kaya kahit kumikirot ang sugat sa aking sikmura ay tumakbo akong papalayo, habang sapo ko ang aking tiyan.

Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang may kumapit sa aking balikat at biglang hinatak ito. Napa-ikot ako sa biglang paghatak na iyon at napaharap sa kanya, si Raul, ang kasama ni nilo kanina, namumula ang mga mata at nakamulagat sa akin.

"Tsug!". Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na dugo sa aking tagiliran. Nanlambot ang tuhod ko , nanlamig ang talampakan at nauupos akong parang kandila . Napaluhod ako sa lupa bago tuluyang bumagsak.

Sa aking pagkakahiga ay kitang-kita ko kung papaano pagtulungan ng ibang mga kasamahan ko sina Raul at Nilo. Subalit kapwa sila may patalim. Kaya unit-unting nababawasan ang mga lumulupig sa kanila, dahil mabangis ding lumalaban ang mga ito.

Sa tantiya ko, ilang sandali na lang ay makakawala na sila, kaya tinipon ko ang lahat ng natitira kong lakas at itinukod ko ang aking tuhod sa lupa at sumikad akong patayo. Pasubsob akong tumakbo, walang lingon-lingon.

Pagsapit ko sa isang kanto ay pumasok ako sa isang eskinita. Para akong lasing, pasuray-suray akong tumakbo sa pagitan ng mga kabahayan. Nanghihina na ako dahil sa mga dugong patuloy na tumatagas mula sa aking sugat. Bukod sa mahapdi at kumikirot pa ang mga ito. Pero kailangan kong makalayo. Paglabas ko sa eskinitang iyo ay mayroong malaking kalsada at sa kabila ay may nakaparadang pick-up truck na may bubong.

Naisip kong hindi na ako tatagal sa pagtakbo,kaya kailangang magtago nalang ako. Baka sakaling makaligtas pa ako. Sa pamamagitan ng natitira kong lakas ay sumampa ako sa likod ng pick-up truck na iyon at gumapang papasok sa loob. Sa kasamaang palad, ang saraduhan ng pick-up na iyon ay sa kalahating ibabang parte lamang ng likod ng pick-up. Kaya naiwang nakabukas ang kalahating itaas na bahagi ng likod nito.

"Dead end!" May panlulumo kong sambit sa sarili.
"Dito na ang katapusan ko" may panghihinayang na dugtong ko pa. Magsisimula na sana akong manalangin nang biglang manlaki ang aking mga mata at nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Si Nilo at si Raul, nakadungaw na sa akin sa likod ng pick-up.

"Dios ko po! Patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko sa buhay ko!" mataimtim kong dasal.

Panabay na sumampa ang dalawa sa magkabilang gilid ng pick-up. Nakasampa na ang tig-isang paa ng dalawa sa kalahating harang ng likod ng pick-up at hawak pa din ang tig-isang patalim sa kanilang mga kamay. Namumula ang kanilang mga mata habang naka-ngisi na parang mga demonyo, handang-handa nang pumatay ng tao.

Papikit na ako upang hintayin ang aking kamatayan, nang may makita akong isa pang pick-up truck na kagaya din nitong kinaroroonan namin. Ito ay marahang umatras na papalapit sa amin ang likuran. May takip na trapal ang buong likod nito pero may hiwa sa gitna pababa, at hindi makita ang loob.

Dahil nasa akin lahat nakatuon ang ang buong atensiyon ng dalawang kriminal na ito, hindi nila napapansin ang pick-up na ito na nasa likod na nila.Ngising demonyo ang dalawa na anyong lalapit na sa akin. Handa nang ibigay ang huling ulos sa katuparan ng kanilang krimen.

Maliwanag sa labas,kaya kitang-kita ko nang biglang bumukas ang trapal ng kabilang pick-up at lumabas doon ang isang tila higanteng lalake na maskulado ang katawan na parang si incredible Hulk, ang kaibahan lang ay guwapo at maamo ang mukha ng isang ito.

Agad inakbayan ng dambuhalang lalake ang dalawa sa tig-isang balikat habang siya ay nasa gitna nila. Mabilis nyang ipinulupot ang kanyang braso sa kanilang leeg at saka biglang hinigit iyon.

"Ahhh!!" Pasiyap kong sigaw sa labis na pagka shock. Dahil sa laki ng braso at lakas ng lalakeng ito, sa isang iglap ay naputol ang leeg ng dalawa at nahulog ang mga ulo nito sa loob ng pick-up truck. Ni hindi na nila nalaman akung ano ang nangyari sa kanila. Nagtalsikan sa aking mukha at damit ang kanilang mainit na dugo.

Pagkatapos niyon ay ngumiti sa akin ang mahiwagang lalake, habang nakatitig siya sa aking mata.

"Nakalimutan mo na ba?" Mahinahong tanung niya sa akin.
Niisip ko nga na parang kilala ko siya. Pakiramdam ko'y matagal ko na siyang kakilala at mayroon kaming kaunayan sa isat-isa, ngunit hindi ko iyon mahagilap sa aking memorya.

"Hindi ba sabi ko sa'yo, hindi kita pababayaan?" Paalalang sabi ng mahiwagang lalake habang nakangiti. Pagkuwa'y imalis na siya. Umalingaw-ngaw sa aking isip ang mga katagang iyon. Biglang may kumislap sa aking alaala, isang pagkakakilala… Pagkakakilalang malalim ang pinagmulan.

"Parang kilala ko nga siya" Pagpipilit kong maalala.
"Oo nga! Kilala ko siya!" " Siya ay Ako!" Excited na sabi ko .
"Siya ang higher Self ko!" sambit ko pa. Iyon lang at unti-unti nang nagdilim ang aking paligid.

Madilim pa rin sa aking paligid nang ako ay magdilat ng mga mata. Subalit wala na ang takot at pangamba sa aking puso sapagkat alam kong narito na ako sa kasalukuyang panahon. Panatag na ako, dama ko na ang lambot ng aking unan at kama. Umupo ako at nag-meditate. Nagpasalamat ako sa aking higher self sa kanyang pagpapakilala sa akin at sa pagpapa-alala sa akin ng kanyang pagsubaybay.

Tanging mga munting luha na lamang ang aking piping saksi sa aking taos pusong pasasalamat sa kanya.

Sunday, January 9, 2011

Ikalawang pagdalaw sa Astral Plane

Ikalawang pagdalaw

Masayang-masaya ako noong araw na iyon. Di kasi'y nakahanap ako ng libro ni Carlos Castañeda sa tumpok ng mga bargain sa Alemars bookstore sa Avenida. Matagal-tagal ko ding inasam na makabli ng libro ni Castañeda na noon ay nasa ika-apat palamang sa kanyang mga serye (Ito ay nasa unang bahagi ng dekada otsenta).

Ang nabili ko nung araw na yon ay ang kanyang ikalawang aklat na ang pamagat ay "Separate Reality". Daig ko pa ang tumama sa huweteng sa aking tuwa, mantakin mo naman, sa dinami-dami ng mga libro na nakatumpok na parang bundok ay nakuha ko pa ang librong iyon na nag-iisa nalamang ayon sa sales lady.

Libangan ko kasi ang magbasa ng mga pocket books kahit noong ako ay nasa highshool pa lang. Pero ang mga binabasa kong libro ay mga non-fiction lamang. Wala kasi akong hilig sa mga fiction at romance, ang gusto kong basahin ay 'yung mga misteryoso pero totoong pangyayari. Sabi nga nila, "The truth is stranger than fiction."

Ang mga paborito ko noon ay ang mga sinulat nina Lobsang Rampa, Carlos Castañeda, Jane Roberts, Ruth Mongomery at ang mga libro sa Occult o, supernatural section ng Natonal bookstore, Alemars at Goodwill Bookstore.

Ang mga aklat na fiction o, kathang isip lamang ay hindi ko gaanong binabasa dahil nasa puso ko din ang pagsusulat,(Wala pa akong nasusulat na libro noong mga panahong iyon) feeling ko kasi kayang-kaya ko din magsulat ng kahit na anong ficton stories, kaya wala itong challenge sa akin.

Pagdating ko sa bahay ay agad kong sinimulang basahin ang librong iyon. Enjoy na enjoy ako sa pagbabasa sapagkat napaka-rebolusyonario ng mga konsepto ni Don Juan Matus, ang Mexican indian sorcerer na naging guro ni Castañeda. Napaka-hiwaga at kahindik-hindik ng kanilang mga naging karanasan na pati ang aking mga paniniwala ay naapektuhan at nagkaroon din ng malaking pagbabago ang aking pananaw sa buhay.

Gabi na ng makatapos ako sa aking pagbabasa, kaya naghanda na ako para matulog. Maya-maya pa'y naiidlip na ako. Ang aking diwa ay nasa pagitan na ng pagkagising at pagkatulog o, ang tinatawag na twilight zone or deep alpha level.

Nang ma-realize ko na ang aking diwa ay nasa ganitong kalagayan, agad kong sinamantala ang pagkakataon upang makalabas ako sa aking katawan. Sa kalagayang ito ng diwa o, tinatawag ding altered state of consciousness, ang aking astral matrix ay nakahiwalay na ng bahagya sa aking physical body. Kaya anoman ang gawin kong pagkilos sa pagkakataong ito ay hindi ko ma-igagalaw ang anomang bahagi ng aking physical na katawan, Dahil ang kontrol ko ngayon ay nasa astral body na.

Ito ang dahilan kung bakit minsan, kapag naidlip ka at parang binabangu-ngot ka ay hindi mo mai-galaw ang anomang bahagi ng iyong katawan. Sakatunayan, nasa astral body ka na kaya gising pa ang iyong diwa at kaya wala ka nang kontrol sa iyong pisikal na katawan. Hindi ito bangung-ngot, kundi natakot ka lang dahil nararandaman mo na ang physical world sa pamamagitan ng iyong astral senses.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon, agad akong pumitlag at pina-ikot ko ng mabilis ang aking astral body. Sa gayon ay tuluyan na itong nakahulagpos sa pagkakatali sa aking pisikal na katawan. Gayon nga ang nangyari, lumutang akong pataas na parang lobo. Ang gaan-gaan ng aking pakiramdam. Huminto lamang ang aking pagtaas nang dumaiti na sa kisame ang aking ulo. Nakatayo ako sa may kisame, at ilang saglit din akong lumutang-lutang doon.

Gising na gising ang aking diwa at mga pandamdam. Ang kadiliman ng gabi ay tila maliwanag sa aking paningin at paminsan-minsan ay may nag-kikislapang mga tuldok ng kulay saan man ako bumaling. Tumingin ako sa ibaba at naaninag ko ang hugis ng aking katawan sa loob ng kulambo, gayun din ang aking mga kapatid na nasa kabilang kulambo naman natutulog.

Sinubukan kong igalaw ang aking astral na kamay at paa upang malaman ko kung hanggang saan ang aking kontrol sa aking astral body, at naigalaw ko naman ang mga ito. Ang hindi ko lang alam ay kung papano bababa mula sa aking kinalalagyan.

Iba ang pagkontrol sa astral plane, ang pagkilos dito ay hindi sa pamamagitan ng musclekundi sa pamamagitan ng isip at kagustuhan lamang. Ginusto kong bumaba, kaya unti-unting bumaba ang aking katawang astral, hanggang sa lumapat sa sahig ang aking mga paa. Pagkuwa'y lumakad ako patungo sa hagdan na ang pakiramdam ko ay normal naman, katulad ng lagi ko nang ginagawa.

Bumaba ako at nagtuloy sa aming sala, pero madilim doon kapag ganitong gabi at natutulog na ang lahat.Subalit ngayon ay nakikita kong malinaw ang palgid na parang nakabukas ang mga ilaw. Ang pagkakaiba nga lang ay may mga malliit at ibat-ibang kislap ng kulay akong nakikita sa ere na natural na sa astral world.

Kakaiba ang ayos ng salang ito ngayon kaysa dati ko nang nakikita, subalit naroon pa rin ang damdamin ng pag-kilala. Nagtungo naman ako sa aming kusina at hapag kainan, wala namang gaanong naiba maliban nalang sa naging mas malawak ito kaysa dati.

Nagbalik ako sa sala at humarap sa aming pintuan na nakasarado, dito naisip ko na mag eksperimento.

       "Kung talagang nasa astral na ako, dapat kaya kong lumagos sa pintuang ito!". Sabi ko sa sarili ko.

       "Pero kung hindi naman, siguradong bukol ang aabutin ko nito!" pag aalala kong naisip.

       Napakalinaw naman kasi ng paningin ko at pakiramdam, gising na gising talaga ako. Pero 'yun na nga, kailangan kong patunayan sa sarili ko na totoo nga na nasa astral na ako.
       Kaya lakas  loob kong hinarap ang makapal na pinto, sabay sikad at patakbo kong
dinaluhong ito. Inaantay kong kumalabog at bumangga ang mulha ko pero parang walang nangyari. Wala naman akong tinamaan kung ano, nakita ko nalang na nasa labas na ako ng aming bahay, nasa likuran ko na ang aming nakasaradong pinto.

        Masaya ako dahil nagtagumpay na naman ang aking eksperimento. Ngayon sigurado na ako, makakapaglakbay na ako sa astral plane hanggang gusto ko. Kaya iyon lang at tumakbo na ako ng mabilis sabay lundag at parang jet plane akong sumirit sa papawirin ng gabi. Ninamnam ko ang sarap ng malamig na hangin na pumpagsapas sa aking mukha at katawan habang ipinagdiriwang ko ang aking kalayaan.
 

Unang pagdalaw sa Astral Plane

Unang pagdalaw sa Astral plane

Malalim na ang gabi nang ako ay humiga sa aking kama upang magpahinga. Tulad ng dati ko nang ginagawa, galing na naman ako sa pakikipag-huntahan sa aking mga barkada dun sa kanto.

Tulog na ang lahat kaya parang paa ng pusa ang aking mga hakbang upang walang magising sa aking mga kasambahay, lalo na ang aking Nanay, siguradong sermon na naman ang aabutin ko. Tahimik nang natutulog ang aking mga kapatid na sama-sama sa isang malaking kulambo sa isang banda ng aming malaking kwarto. Ang Nanay at Tatay ko naman ay nahihimbing na din sa kabilang dako. May sarili akong kama sa may gilid, pagkaakyat lang ng hagdan kaya hindi ko naman sila maiistorbo paghiga ko doon.

"Ahhh! Kay sarap mahiga", bulong ko sa aking sarili. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng aking katawan sa maghapong lamyerda, nang lumapat na sa malambot na kama ang aking likod.

Bagamat nakalatag na ang aking katawan, ay patuloy pa din ang pag-inog ng aking isip. Ipina-flash back nito ang mga pangyayaring naganap ng hapong iyon. Ilang saglit pa at nakikita ko na ang ibat-ibang tanawin sa aking balintataw, tanda na malapit na akong makatulog.

Nakaka-aliw panoorin ang mga tanawing dumadaan sa aking paningin, napaka-gaganda at napaka makulay ng mga ito. Hanggang sa dumating sa punto na hindi na ako halos makapaniwala sa sobrang linaw ng mga tanawing aking nasasaksihan, parang totoong-totoo na ang mga ito.

Sa tindi ng aking kuryosidad, matiim kong pinagmasdan ang kumpol ng mga halaman sa aking harapan. Maliliit ang mga luntiang dahon nito na nababakuran ng mababang bakal na hugis baliktad na 'U'. Pinagdikit-dikit ito kaya nagsilbing mababang bakod ng halaman kagaya ng nakikita sa mga paaralang elementarya. Inabot ko ng aking kanang kamay ang maliliit na dahon nito at sinalat. Makinis ang ibabaw at medyo maligasgas naman ang sa ilalim. Mayaman ang pagka-luntian ng mga ito at tunay na namangha ako sa kagandahan ng kanilang mga bulaklak. Ang maliliit na kulay orange at dilaw na mga talulot nito ay tila mga buhay na sumasayaw sa bahagyang pag-ihip ng hangin at tila baga may liwanag na sumisinag buhat sa kalooban ng mga ito.

"Santan !Diyata't ito ay isang Santan lamang!" bulalas ko sa aking sarili.
"Subalit ito ay sampung beses na mas maganda kaysa mga totoong bulaklak na nakikita ko dito sa aming lugar". Dugtong kong may pagtataka.

Idinedretso ko ang aking katawan mula sa pagkakayuko at gayon na lamang ang aking pagkabigala sa aking nakita. Tumabad sa aking harapan ang isang malawak na hardin nang mga nag-gagandahang bulaklak na ang karamihan ay noon ko lang nakita. Kataka-takang nagnining-ning ang ibat-iba nilang kulay. Tumingin ako sa aking likuran, sa kanan, sa kaliwa, ganoon din ang aking nakikita. Noon ko napagtanto na ako ay nasa gitna ng isang napaka-ganda at mahiwagang hardin. Hindi ako makapaniwala.

"Di yata't nasa loob na ako ng aking panaginip?" anas ko sa aking sarili.
"Ang alam ko'y nakahiga lang ako kanina sa aking kama, ngunit ngayon ay narito na ako sa lugar na ito, kamangha-mangha!" dugtong ko pa.

Alam kong nasa loob na ako ng aking panaginip, pero gising na gising ako. Gising na gising ang buong diwa ko at mga pandamdam. Para akong nasa loob ng cyber space.

"Ah! Ito na marahil ang tinatawag nilang Astral plane!"
"Kung gayon ay maaari ko nang gawin dito ang anomang ibig kong gawin."Masaya kong sambit sa sarili.

Iyon ang sabi sa mga nababasa ko sa mga aklat na isinusulat nga mga eksperto tungkol dito. At ganon nga ang aking ginawa, tumingala ako sa napakagandang bughaw na langit at bigla akong lumundag na paitaas.

"Lilipad ako!" Utos ko sa aking sarili.

Mabilis nga akong pumailanlang na pa-itaas. Tila walang gravity sa lugar na iyon. Dama at dinig ko ang pagaspas ng aking damit sa aking katawan sa bilis ng aking paglipad. Dama ko din ang malakas na hampas ng hangin sa aking mukha at ang malikot napagsasayaw ng aking mahabang buhok.

Napakasarap ng aking pakiramdam ng mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ko lang naranasan ang tunay na kahulugan ng KALAYAAN. Hindi na ako sakop ng batas ng tao at nang kalikasan. Kahit na ang aking katawang mortal ay wala nang kapangyarihan sa akin.

"Ganito din marahil ang pakiramdam ng taong namatay na at lumisan na sa kanyang katawang lupa". Pagtanto ko sa aking sarili.

Kapayapaan, kapanatagan, kalayaan at labis na kaligayahan ang tangi kongnararamdaman sa mga sandaling iyon.

"Ahhh! Kay sarap lumipad!" Sambit ko pa.
"Ako si Superman!" sigaw ko ng malakas. Iyon lang at nagbago na ang damit ko, naging kulay asul ito na may tatak na malaking 'S' sa dibdib.

Ako nga ay naging si Superman, lalongb bumilis ang aking lipad, parang jet plane na sumisirit na paitaas sa bilis na Mach 1 supersonic!

Sa totoo lang,ayaw ko na sanang matapos ang tagpong iyon, ang aking kaligayahan ay walang katpusan. Nakalimutan ko nang lahat ang aking mga problema sa buhay, pati na ang mga kaugnayan ko sa mga tao at mga pangyayari sa buhay ko.

Mistula akong lobo na naka-alagwa sa langit, malaya at walang pakialam. Aliw na aliw ako sa aking paglalaro sa kalawakan, matagal kong ninamnam ang kakaibang kaligayahang iyon, pati ang oras ay walang epekto sa akin.

Ngunit ang lahat ng ito ay biglang nagbago ng sumingit sa aking isipan ang munting pag-aalinlangan.

"Teka! Teka!" Bigla kong naisip.
"Papano pala mangyayari ito eh, samantlang nasa amin ako at nakahiga na sa aking kama? Pagtatanong ko sa aking sarili.

"Hindi ako pwedeng mapunta dito dahil alam kong nasa bahay ako ngayon!" Pag-ukilkil ng isip ko.

Mabuti nalang at hindi naman ako tuluyang nahulog sa lupa. Nakakalipad pa rin ako ngunit mababa na lamang. Natuwa na rin ako kahit papano dahil sa ngayon ay nasa ibabaw ako ng mga puno lumilipad. Kay gandang pagmasdan ng mga puno mula sa kanilang tuktok. Paminsan-minsan ay sumasayad ang aking mga paa sa kanilang mga dahon.

Hinaplos-haplos ko ang mga dahon ng isang puno ng mangga, buhay na buhay ito at tila kumakapit din sa aking kamay bilang ganti sa aking paghaplos. Dahan-dahan pa ding bumababa ang aking paglipad, hanggang marahang sumayad ang aking mga paa sa lupa. Perfect landing ang nangyari.

Naglakadlakad ako at nagsimula nang magbago ang kulay ng paligid. Unti-unting nawala ang ning-ning at kinang ng mga kulay nito. Nagkaroon na din ng mga tao at nag-iba na ang lugar. Napunta ako sa isang plaza na maraming mga taong naglalakad sa ibat-ibang direksiyon.

Tuluyan nang nawala ang kinang ng paligid at nagbalik na ito sa pagiging isang imahinasyon na lamang. Nararamdaman ko na ngayon ang aking kama sa aking likuran, tanda na ako ay nakabalik na sa aking pinagmulan, ang physical plane.

Nanumbalik nang muli ang pokus ng aking diwa sa kasalukuyan, na ako'y nagmumuni-muni sa katulad din ng bago ako maglakbay sa kabilang dimensyon. Marahan akong dumilat at gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

"Tagumpay! Nagtagumpay ako!" Sigaw ko sa aking isip.
"At maluwalhati pa akong nakabalik mula sa aking paglalakbay, na walang patid ang aking diwa!" Pagmamalaking sabi ko pa sa aking sarili.

Friday, January 7, 2011

Mga katanungan

Malinaw pa sa aking alaala ang simula ng lahat. Nang mabuksan ang aking isipan sa mga katanungan ng buhay.

Bata pa ako noon, siguro'y nasa dose o, onse anyos palamang ang aking edad. Panahon iyon ng simula ng martial law ni President Marcos. Ang lugar na kinalakihan ko ay sa Marulas Valenzuela, sakop pa ito ng bulacan noong panahong iyon. Ang hilig kong gawin ay ang tipikal na kinagigiliwang gawin ng mga binatilyo o, ordinaryong mga teenager, ang tumambay sa kanto.

Sa madaling salita ay wala akong iniisip na mahalagang bagay o, responsibilidad, mga ambisyon o, kahit na anomang hinaharap ay wala pa sa aking isip. Ang tanging iniisip ko lamang noong mga panahong iyon ay kung papano makakatakas sa mga gawaing bahay upang makapaglaro at makipag kwentuhan sa aking mga kaibigan.

Isang araw, habang ako'y naglalakad sa kalsadang lupa patungo sa tindahan ni aling Doray upang bumili ng mantika, dala ko sa aking kanang kamay ang bote ng ketsap na lalagyan ko, bigla akong napatigil sa paglalakad dahil pakiramdam ko'y bumukas ang langit sa aking ulunan at nagbagsakan ang mga katanungan na hindi ko maintindihan.

"Sino ako?" una kong tanong sa aking sarili.Na-realize ko noong mga sandaling iyon na hindi lamang ako isang pangalan, kundi ako'y isang diwang buhay na may pang-unawa. Isang espiritu o, anu paman na hindi ko lubos na maunawaan. Subalit wala akong malinaw na alaala ng aking pinanggalingan. Ni hindi ko matiyak kung ano talaga ako.

"Bakit ako naririto?" ikalawang tanong ko sa aking sarili. Yumuko ako at tiningnan ko ang aking katawan. Ito'y katawan ng isang batang paslit na tila salat sa kabuhayan sapagkat ito ay payat at ang suot na t-shirt na puti ay kupas na at maitim na sa kalumaan at ang short na kaki ay may mga punit na at madusing na rin sa tagal nang paggamit..

Sa kanang kamay ko ay may hawak akong bote ng ketsap na paglalagyan ko ng mantika na siyang bibilhin ko sa tindahan. Tumingin ako sa aking paligid na para bang ngayon lang ako nakarating sa lugar n ito, samantalang dito na ako lumaki. Naglalakad ako sa gitna ng kalsadang pataas na hindi pa sementado. Sa aking kaliwa ay may ilang maliliit na magkakasunod na bahay. May mga halamang bakod sa kanilang harapan at ilang maybong na puno ng santol sa tagiliran.

Sa aking kanan naman ay may basketball court na laruan naming mga kabataan at nang mga katandaan na rin dito sa aming lugar. Half-court lang ito, lupa at walang semento, pero maraming naglalaro dahil malakas ang pustahan sa shooting dito, lalo na kung linggo dahil walang pasok ang mga matatanda.

Sa aking unahan ay may pa-krus na daan at sa kanang bahagi ng kanto nito ay naroon ang tindahan n aling Doray. Ang bilihan namin ng lahat ng aming panga-nga-ilangan sa bahay at kadalasan pag walang-wala ay s'ya din naming inuutangan.

Pakiramdam ko noon ay parang nagising ako sa isang mahabang pagkakatulog. Ang mga bagay na noon ay hindi ko binibigyan ng pansin ay naghuhumiyaw ngayon sa aking harapan.

"Sino ang mga taong ito at ano ang ginagawa namin dito sa mundong ito?" sumunod ko pang tanong. Ngayon ko biglang naunawaaan na itong buhay na ito ay hindi lamang isang ordinaryong drama na katulad ng pagkakaintindi ng karamihan. Ang buhay na ito ay totoo at may malalim na kahulugan at katotohanan, ang buhay na ito ay isang kahiwagaan.

Doon nagsimula ang aking pag-aaral tungkol sa kahulugan ng buhay.

"Kailangang malaman ko ang kasagutan sa aking mga katanungan". Hamon ko sa saking sarili. Kaya pag-uwi ko sa amin ay agad kong tinanong ang aking nanay tungkol sa aking mga katanungan.

" Nay, Sino po ba ako?" Inusenteng na tanong ko sa aking ina.
"Bakit ako nandito sa mundo?" Sunod kong tanong.
" Saan ako pupunta pagkatapos ng buhay na ito?" dugtong ko pa.

"Ano ka ba naman anak,?"May pagtatakang sagot ng Nanay ko. "Eh di ikaw si Joel, ang anak namin ng Tatay mo." Sagot ng Nanay ko na para bang wala nang ibang maisip.

"Hindi, ang ibig kong sabihin Nay,kung sino ko ako kung wala akong pangalan?" Sagot ko naman.

Napatigil si Nanay sa kanyang ginagawa, naglalagay sya ng asin sa isdang kanyang ipi-prito para ulam namin sa pananghalian, sabay harap sakin at tila ngayon nya lang naisip ang implikasyon ng aking simpleng tanong. Matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, ay malumanay nya akong sinagot.

"Alam mo anak, hindi ko alam ang sagot sa katanungan mong iyan, sapagkat hindi rin itinuro sa akin 'yan ng aking mga magulang". Tugon sakin ng aking nanay na parang may panghihinayang. At natuklasan ko na hind rin pala alam ng nanay ng lola ko ang sagot sa tanong na iyon kaya wala talaga akong maaasahang sagot mula sa Nanay ko.

"Ang mabuti pa, ang tatay mo nalang ang tanungin mo tungkol sa bagay na yan." Suhestiyon nya sa akin na parang nagbibigay ng pag-asa.

At gayon nga ang aking ginawa, pagdating na pagdating ng tatay ko ay sinalubong ko agad sya ng aking mga katanungan. At habang tinatanggal ko ang sintas ng kanyang sapatos ay nakatitig ako sa kanyang mukha at naghihintay ng kanyang sasabihin. Ilang segundo din siyang natahimik , tila naghahanap sya sa kanyang memorya ng maitutugon sa akin. At sa wakas ay nagsalita din sya.

"Anak, pasensiya kana, hind ko din masasagot ang iyong mga katanungan, dahil hind pa pumasok sa aking isipan ang mga katanungang yan, kundi ngayon lamang na naitanong mo ." Paghingi ng dispensa ng aking ama.

"At hindi rin namin napag-usapan yan ng iyong Lolo at lola." dugtong pa nya.
"Siguro, ang mas magandang tanungin mo tungkol sa bagay na iyan ay ang mga pari, sapagkat sila ang mas may malalim na kaalaman tungkol sa mga bagay na yan." dugtong pa nya na may tono din ng pag-asa.

"Kung hindi alam ng aking mga magulang at ng mga magulang nila ang katotohanan tungkol sa kanilang sarili, ibig bang sabihn na ang henerasyong ito ngayon ay naliligaw ng landas? Kung gayon, walang nabubuhay na tao sa mundo ngayon ang tunay na nakaka-alam sa buong katotohanan." Pagbibigay ko ng liwanag sa aking sarili.

Magmula noon ay hinanap ko na ang kasagutan sa aking mga katanungan. Nabigahani ako sa kagalingan ng siyensya sa pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay kaya ito ang una kong pinag-aralan. Kaya ang kursong kinuha ko sa college ay Bachelor of Science in Industrial education Major in General Scence.

Ang mga teknolohyang ating tinatamasa ngayon ay produkto ng Syensya o, Agaham. Napakalaki ng natutulong nito sa ating pag-unlad, hindi lamang sa ibat-ibang larangan kundi lalo't higit sa kaunlaran ng kaisipan ng tao.

Subalit natuklasan ko na ang Syensiya hindi ay hindi pa rin perpekto. Trial and error din ang kanilang ginagamit sa pagtuklas ng mga bagay. Marami pa din silang pagkakamali na nagagawa at hind rin nila nasasagot ng mahusay ang maraming katanungan, kasama na dito ang sa akin. Ang tinatanggap lang kasi nilang bilang totoo ay ang mga bagay na nakikita, nahihipo, nasusukat at natitimbang, anu mang bagay na hindi papasok sa mga kartegoryang ito ay hindi nila tinatanggap bilang totoo.

Ang mga bagay naman na hindi kayang sagutin ng syensiya ay pilit namang sinasagot ng mga relihiyon. Ang batayan naman nila ng katotohanan ay pananampalataya. Dito naman ako naghanap ng kasagutan.

Napakaraming klase ng relihiyon sa mundo. Ito ay dahil narin marahil sa ibat-ibang lahi, kultura, tradisyon at panahon ng pagkakatatag. At sa bawat isang punong relihiyon o, paniniwala ay hinahati pa ito ng mga sekta. Kagaya ng Kristiyanismo, ito ay nahahati sa mga Romano katoliko, Protestante, iglesiya ni Kristo at iba pa. Gayun din naman sa Islam, ito ay hinahati-hati sin sa mga ibat-ibang sekta, kagaya ng Shite muslem, Sufi moslem at ba pa.

Ibat-iba ang kanilang pamamaraan at paliwanag subalit iisa din ang kanilang tinutukoy, na may iisang Dios na maylalang sa ating lahat.

"Ang Dios ay pag-ibig". Ito ang itinuturo nila sa mga tao, subalit nag-aaway-away sila at pumapatay alang-alang dito.

"Ang ibig ng Dios sa tao ay kapayapaan at pagkakaisa". Isa pa sa mga turo nila, subalit nagsisiraan sila at nagkakanya-kanya

"Magbigay tayo at tulungan natin ang mga naghihirap". Ang samo nila sa atin, pero ang totoo'y sa mahihirap sila kumikita at sila ang nagpapasasa sa mga limos ng masa.

Ito nama ang naging problema sa reliihiyon, naging negosyo at pulitika sila, at hindi nila isinasabuhay ang kanilang mga itinuturo. Bukod pa rito, hindi pa rin nila mabigyan ng malinaw na paliwanag ang aking mga katanungan. Dahil ang kanilang mga doktrina ay naka base lang sa isang kodigo (Na tinatwag nilang Banal na aklat)na dinuktor nila kaya sila mismo ay nalilito na.

Pinasok ko at pinag-aralan ang ibat-ibang relihiyon na iyan. Sa katunayan ay labing-anim na taon akong nagserbisyo sa kanila, kaya nakita ko ang kababawan at kabulukan ng kanilang mga sistema.

"Papano ko ngayon masasagot ang mga tanong ko kung ang dalawang institusong ito (na dapat sana at gumagabay sa mga tao)ay parehong nalilgaw din ng landas?" Tanong ko sa saril ko.

Mabuti nalang at ang mahal na Dios ay tunay na buhay, at pinadama nya sa akin ang kanyang presensiya at pag-gabay.

Dinala nya ako sa mga lugar na mapagkukunan ko ng mga impormasyon na magbibigay sa akin ng mga kasagutan. Inilapit nya ako sa mga tao na makadaragdag ng aking mga kaalaman. Binigyan nya ako ng mga eksperiyensiya na makakatulong sa aking pag-aaral at higit sa lahat, ipinadama nya sa akin ang tamis ng kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng isang sulyap sa kanyang kaluwalhatian.

At doon ko natagpuan ang kasagutan sa aking mga katanungan, sa kanyang kaluwalhatian na sya mismo ang nagpadama sa akin.

Sa wakas ay alam ko na ang kasagutan sa aking mga katanungan. Inabot ako ng halos tatlompung taon bago ko nasagot ang mga katanungang iyon, subalit sulit naman ang kapalit ng matiyagang paghahanap. Natagpuan ko ang karunungan, kapangyarihan at buhay na walang hanggan.

"Hanapin mo muna ang kaharian ng langit, at ang lahat ng ito ay idaragdag sayo".

"Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan, hanapin mo at iyong masusumpungan".

Paunang salita

Paunang salita

Sa kurso ng aking pag-aaral at paghahanap ng kasagutan, ay marami akong natuklasang mga bagay na dati'y hindi ko mapaniwalaan.Natuklasan ko na ang tao pala ay may likas na kapangyarihan na hindi nabibigyan ng pansin dahil wala ito sa nga kategorya na tinatanggap ng karamihan. Kadalasan ito ay binabalewala at binabansagan ng mga lider ng mga sekta ng mga relihiyon bilang mga gawa ng mga diyablo upang ang mga tao ay matakot na pag-aralan ang mga ito at manatiling mangmang habang buhay.

Ang halimbawa ng mga likas na kapangyarihang ito ay ang Clairvoyance, clairsentience, clairaudience, psychometry, telepathy, mediumship or channeling, pranic healing, automatic writing, materialization, astral projection at marami pang iba.

Naging interesado akong mabuti partikular na sa astral projection, sapagkat natutuwa ako sa posibilidad na makarating ng libre sa ibat-ibang lugar hindi lamang dito sa physical plane kundi pati na din sa iba pang daigdig o, dimension. Sa simula ay parang nakakatakot itong isipin, subalit habang tumatagal ay lalo akong nagiging curious dito.

Halos dalawang buwan ko sigurong inisip-isip ito, dumating pa nga ang oras na sinubukan ko nang gawin ito. Subalit dahil wala nga akong sapat na kaalaman tungkol dito at wala naman akong mabasang libro nung mga panahong iyon na makapagtuturo sa mga paraan nito, lagi tuloy akong bigo sa pagpipilit kong makalabas sa aking katawan.

Mabuti na lamang at nagkaroon din ng kasagutan ang aking inaasam at ito ay sa pamamagitan lamang ng napaka ordinaryong paraan… sa pamamagitan ng aking panaginip.

Sa totoo lang, ang mga karanasang ito ay hindi naman talagang kagilagilalas. Sapagkat ito ay natural nang nagyayari sa maraming tao. Subalit wala silang kaalaman tungkol dito kaya nasasabi nilang ang karanasang ito ay hindi pang karaniwan.

Halimbawa nalang itong astral projection, napaka ordinaryo nito kung tutuusin dahil ito ay ginagawa nating lahat sa gabi kung tayo ay natutulog. Hindi lamang sanay ang mga tao na alalahanin ang kanilang panaginip sa kanilang pag gising, kaya madalas ay nakakalimutan nila ang mga karanasang ito. Alalahanin mo, may may mga panaginip ka na ikaw ay lumilipad o, pakiramdam mo ay nahuhulog ka. Ito ay mga yugto ng iyong astral projection na hindi mo binigyan ng gaanong pansin kaya nakalimutan mo na ang kabuoan ng iyong astral tavel.

Kaya isinasalaysay ko ngayon ang aking mga karanasan sa seryeng ito hindi lamang sa astral projection o, ang tinatawag kong lakbay kaluluwa, kundi pati na rin sa iba pang aspeto ng Paranormal studies upang magkaroon ka ng kaalaman at maunawaan mo na walang milagro dito sa mundo sapagkat ang lahat ng bagay at pangyayari dito ay may dahilan at pinaiiral ng mga likas na batas.

Layunin ko din sa pagsulat ng aklat na ito na mabuksan ang iyong diwa at kaisipan na tayo ay hindi ordinaryong tao lamang gaya ng akala ng marami. Tayo ay mga mahiwagang nilalang at ang bawat isa sa atin ay may taglay na espesyal na kapangyarihan na bigay sa atin ng Dios na may lalang.

Mula sa aking pananaliksi at pag-aaral, sa paghahanap ng kasagutan sa aking mga katanungan ay natuklasan ko na mayroon pa palang mas mataas na sa espiritual na pag-aaral maliban sa tipikal na relihiyon na aking kinagisnan. Ilan sa mga ito ay ang Theosopiya, Mahika, Kabala at iba pa. Ito ang mga tunay na pag-aaral sa mataas na antas ng espiritualidad sapagkat layunin nito na hubugin at linangin ang sariling kapangyarihang espiritual na likas sa bawat indibidual.

Inaanyayahan kita na pag-aralan at tuklasin mo ang iyong mga tagong kapangyarihan, upang ikaw ay makalaya sa kamang-mangan at maging Master ka, hindi ng ibang tao kundi ng iyong sariling daigdig.


Joel R. Dela Cruz
August 2, 2010
Naga City, Cam. Sur
Philippines