Wednesday, January 26, 2011

Totoo ba ang Hula?

Totoo ba ang Hula?

Marami ang naniniwala sa hula!

Makikita mo ito sa Quiapo lalo na pag araw ng Martes, Byernes at Linggo.
Tumpok-tumpok ang mga tao na nagpapahula sa mga Manghuhula (kuno) na nakahilera sa gilid ng Plaza Miranda.

Karamihan sa kanila ay nagbabakasakali na makarinig sila ng magandang pagbabago sa kanilang buhay, sa larangan ng Pag-ibig, pananalapi at paglalakbay. Ang iba naman ay curious lang at gusto lang malaman ang mga sasabihin sa kanila ng mga manghuhula.

Kaya ang dating sampung manghuhula noon na nakahelera doon sa gilid ng hagdanan pababa sa underpass ay naging mahigit limampu na ngayon.Nakita kasi ng mga masisinop na tao doon na malakas palang pagkakitaan ang pang huhula.

Kaya naman si Rose na nagtitinda ng kamatis at talong sa umaga ay nagiging si Madam Rosa na pagsapit ng hapon at gabi, yan kasi ang oras ng pagdating ng mga nagpapahula. Sa palagay ko, 20% lang ng mga manghuhula doon ang tunay na marunong.At ang 80 %, well, ito ay bola-bola nalang. Kaya piliing mabuti kung kanino kayo magpapakonsulta.

Marami din naman ang hindi naniniwala sa mga hula. Lalo na ang mga Pastor at mga Pari na naniniwalang masama ang magpahula ng kapalaran. Hindi nila naisip na ang pangunahing tema na nakapaloob sa Biblia na kanilang kodigo ay nakabatay sa Hula o, Propesiya.

Hindi na ako makikipagtalo sa kanila, kanya-kanyang paniniwala lang yan, at para sa akin, iginagalang ko ang kanilang mga paniniwala, kaya naman inaasahan kong igagalang din nila ang paniniwala ko.

Sa totoo lang, Ako ay hindi manghuhula. Dahil mahirap tumama pag manghuhula ka lang.
Kung marunong akong maghula, huhulaan ko ang nomero na tatama sa Grand Lotto at tataya ako, o, di ba?

Ako ay isang Tarot Card Reader, nagbabasa ako ng mga baraha.
Ang tawag sa aking propesyon ay Professional Cartomancer, or, Tarot Card Reader.
Nalalaman ko ang mga kaganapan sa buhay ng aking mga kliyente sa pamamagitan ng pagbasa sa mga kahulugan ng baraha na pinipili nila.

Pinagdudugtong-dugtong ko ang mga kahulugan ng mga baraha upang makabuo ng isang makabuluhang kwento na naaayon naman sa kasalukuyang karanasan ng aking mga kliyente. (Kung papano ito tumutugma at nagkaka-totoo ay ipapaliwanag ko sa susunod na artikulo)

Ang Tarot Deck ay binubuo ng 78 cards (may 5 hanggang 10 meaning ang bawat isang Card ) times 2, dahil may kabalikatran o, reveresed meaning pa ang nga ito. 78 x 10 = 780 x 2 = 1,560 meanings, yang ang kailangan mong kabisaduhin upang mabasa mo ang sinasabi ng baraha.

Bukod sa mga meaning, kailangan ding gamitan ito ng Intuitive discretion para malaman kung alin sa mga meaning ng cards ang angkop sa kasalukuyang karanasan at problema ng kliyente. Ito ang dahilan kaya nade-develop ang Psychic power ng isang Tarot Card Reader. Nahahasa kasi ang kanyang Intuition sa pamamagitan ng madalas na pagpa-practice ng Tarot reading.

Ang Tarot Card Reading ay isa sa pinaka magandang sistema na maaring gamitin upang madevelop ng iyong Psychic powers. Malaking tulong din ang nagagawa nito upang malinawan at masolusyonan ang isang problema at higit sa lahat ito ay nakaka-aliw at nakakapag palalim ng kaalaman.

Papano natutulungan ng Tarot Card na masulusyonan ang isang problema?

Sa ating present level, ang nakikita lang natin ay ang ilang bahagi o, elemento ng ating problema. Yun mga bagay na nakikita lang natin at abot ng ating kaalaman. Halimbawang naglalakad ka sa gilid ng isang kalsada at sa unahan mo ay may isang road intersection. Ang makikita mo lang ay ang diretsong kalsada na nasa harapan at nasa likuran mo. Hindi mo makikita ang nasa gawing kaliwa o, kanan mong kalsada dahil natatakpan ito ng builldng. Kung may mga sasakyan na tatawid sa kalsadang tinatahak mo, hindi mo makikita dahil may building nga sa kanto na tumatakip sa mga nasa kabila.

Sa level naman ng Tarot cards, mas malawak ang kanyang nakikita dahil ito ay may extra dimension na nakapagbibigay ng mas malawak na impormasyon sa nagbabasa. Sa ating halmbawa, Ang level ng Tarot Cards ay nasa itaas ng building. Sabay nitong nakikita ang taong naglalakad sa ibaba at ang mga sasakyang nasa kabila ng bulding na tatawid sa intersection.
At kung sa tantya ng Tarot Cards, sa bilis ng takbo ng sasakyan na tatawid, at ang bilis ng taong naglalakad sa ibaba ay panabay silang darating sa kanto ng intersection, masasabi ng Cards na malamang mabaubundol ng sasakyan ang taong naglalakad.

Ito ang nakikita ng Tarot Cards as a Probable future. Ito ang hinaharap na maaaring mangyari.
Ibig sabihin, may choice pa ang tao na hindi mangyari ang sakunang ito kung may impormasyon sya tungkol sa sasakyan na nasa kabilang kalsada. Kung alam nya ito, pwede syang huminto panandali upang makalampas ang sasakyan at walang mangyaring masama sa kanya. O, pwede syang bumalik sa pinagmulan nya, para hindi na mangyari ang future na iyon, o, pwede syang tumawid sa kabila, para ibang future naman ang kanyang haharapin.

Yan ang magandang bagay na naibibigay ng Tarot Cards. Nakapagbibigay ito ng babala ukol sa mga masamang bagay na pwedeng mangyari at nakapagbibigay din ng insprasyon sa mga nalulungkot o, solusyon sa mga may mabigat na suliranin.

Ang Tarot Cards ay isang Tool, kagaya rin ng screwdriver at plier na ating ginagamt kapag may kinukumpuning mga sirang gamit sa bahay. Ang Tarot Cards naman ay nagagamit upang makumpuni o, ma-iayus ang mga sira at kaguluhan sa ating mga buhay.

Sa mga nakasubok na ng aking Tarot Card Reading Service, alam kong satisfied na sila at nagpapasalamat sa mga impormasyong knilang nakuha mula dito. At para naman sa mga hindi pa nakakasubok nito, inaanyayahan kitang subukan at alamin ang hiwaga at Magic ng aking Tarot Cards.

Wala namang mawawala sa iyo kung ito ay inyong susubukan. Sa totoo lang, marami kang malalaman at matututuhan, sa iyong sitwasyon, sa mga taong nakapaligid sayo at higit sa lahat, mas makikilala ang iyong sarili.

29 comments:

  1. san ang contact details nyo po kasi gusto ko subukan magpatarot

    ReplyDelete
  2. wala po bang contact number or address para ma-try :)

    ReplyDelete
  3. pls contact me 09473378484-sana free hula..hahahor donation lng-gusto ko ring magpahula

    ReplyDelete
  4. AKO DIN TRY LNG PO FOR DONATION PWEDE PO 09324190838

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Paki contact po. Gusto ko po subukan.
    0917-2095105

    ReplyDelete
  7. 1st time ko pong naghula pero ndi ko kasi alam kung totoo ba ito? Nawala kasi cp ko sa Paaralan tapos sabi ng Nanay ko "Ihula natin yan anak...". Sana nga totoo para makuha kona CP Ko eh...

    ReplyDelete
  8. gusto nyo ba? i know someone very consistent..
    i tried once. d na ako umulit kc nangyare ang hula nya wala pang isang taon.. sakto angh pangyayare sa hula nya..SAD

    ReplyDelete
  9. Pwede ku po bng msubukan??kailn lng po nanakwan ako.bka skaling mlamn ko kung cno cya.

    ReplyDelete
  10. Naguguluhan po ako dahil po may kakaibang nangyayari sa panaginip ko. At pag gising ko ay nagkakatotoo. Di ko po alam kung totoo ba yun o nagkataon lang. Mahirap po kasi maniwala. At minsan nag iisip na din ako kung nababaliw na po ba ako. Kaya gusto ko malaman kung totoo ba talaga ang prediction.

    ReplyDelete
  11. i wanna try. tga saan po ba kayo? any contact details?

    ReplyDelete
  12. Gusto ko po sana pahulaan.. Kung sino po kumuha ng cellphone ng kuya ko. Mag b-b-day na po kse siya fpos nawala pa yun celphone nya dito mismo sa loob ng pamamahay namin.. Tulungan nyo naman po ako..

    ReplyDelete
  13. Ano Ang status NG life ko ngyun buwan at drating png buwan

    ReplyDelete
  14. Naiiwasan po ba yung nahula sayo? For example may mangyayaring di maganda sa hula. Possible po ba na maiwasan?

    ReplyDelete
  15. ako po mam nahulaan po ako na mamatay daw duguan gusto ko pong malaman kung pano maiwasan at hindi magkatotoo natatakot po ako kasi may anak pa ako at ayokong pang mawala

    ReplyDelete
  16. Nasubukan ko na dati mag pahula gamit ang tarot cards, may mga hula dun na nangyari na sakin pero may ibang mga hula niya na hindi pa nangyayari. Pwede po ba ako mag pahula sa inyo?

    ReplyDelete
  17. Kung may bayad wag nalang.kung wala po.itatanung ko sana ang carreir .life and lovelife ko.thank you

    ReplyDelete